Ipinaskil ni: rayrutrio | Nobyembre 18, 2008

Halika Mag-lunch Out Tayo

 

Kaninang umaga, sinundo ako ng friend ko para mag-lunch out kami sa bahay ng friend namin. Nagyaya kasi ang mga kaibigan ko ditong pilipina na sabay-sabay na magtanghalian. Ganito palagi ang ginagawa nila tuwing may free time. Tuwing nagkakayayaan, kanya-kanya silang bitbit ng pagkain. Kahit anuman okasyon or biglaang invitation, lahat sila nagdadala ng kahit ano tulad ng pagkain, wine o kaya fruits. Sabi nila, ganito daw talaga dito sa Amerika kailangan mo mag-share kada okasyon na dadaluhan. Kaya isa ito sa natutuhan ko. Minsan nagdadala ako ng foods or wine. Minsan naman, pag-out of budget ako, tumutulong na lang ako sa pagluluto or pagpi-prepare ng party. Hindi naman siya obligado pero dapat meron kang konting effort kasi ito ang tradisyon dito. Nakakahiya kung dadalo ka tapos wala ka man lang maisi-share. Hindi tulad sa Pilipinas, pag-invited ka, wala kang ibang dadalhin kundi regalo. Minsan pa nga, kahit wala kang iregalo eh okay lang basta pumunta ka. Isa ito sa malaking adjustment ko dito sa Amerika. Lalo na sa sitwasyon ko, hindi ako gaanong marunong magluto. Kaya medyo nahirapan din ako. Kailangan kong mag-self-study or magpaturo sa mga kaibigan para naman may alam ako. Sa ngayon, kahit papaano masasabi ko nag-improve naman ako, nasasanay na rin ako sa ganitong sistema dito. I am proud of myself!


Mag-iwan ng tugon

Ang iyong tugon:

Mga Kategoriya