Ipinaskil ni: rayrutrio | Nobyembre 20, 2008

Naked Tree

Habang sinusulat ko tong blog na to, hindi ko maiwasang tumingin sa malaking puno na nasa harap ng bahay namin. Pano ba naman, kalbo na at super dry pa. Winter na kasi kaya lahat ng mga dahon nalalaglag na sa lupa. Isa rin dahilan kung bakit halos lahat ng puno eh wala ng dahon ay yun malakas na ihip ng hangin. Tulad nun isang araw, naglinis kami ng hubby ko sa backyard namin. Punong-puno ng mga dahon halos hindi ko na makita ang lupa. Habang itong bulinggit ko, enjoy na enjoy sa kakalaro ng mga dahon. Hinahakot nya ito sabay isinasaboy na parang confetti. Nakakatuwa syang tingnan kasi takbo sya ng takbo habang sinisipa nya ang mga dahon. Ganunpaman, maganda pa rin syang tingnan. Naisip ko ngang i-drawing sya sa coupon bond at i-post dito. Depende nga lang kung sipagin akong mag-drawing..hehe. Last year, ginawa ko yan, enjoy na enjoy ako sa kaka-drawing ng mga puno dito. Kaso di ko na-save yun eh kaya i will try to do it again. Tutal mahaba pa naman ang winter hanggang month of March pa ito kaya I still have time.


Mag-iwan ng tugon

Ang iyong tugon:

Mga Kategoriya